- speech_defect wrote:
- mainit (parang pandesal) yun exchanges dito sa thread na ito. in a positive light, maganda ito kasi napapagana natin yun mga braincells natin:
Exactly. The forum is a good place to have a healty exchange of one's viewpoints without being overly exxagerated. Yun nga lang, talo ang masyadong seryoso. Everyone should lighten up a bit beginning with the thread starter and the people who joined on in his/her thread. and we don't need anyone ever to force their opinions down our throats if we don't agree with it.
kaya tayo may utak. para magreact sa action. (thus, the signature ACTION EQUALS REACTION)
- xxxpinoystraightedgexxx wrote:
- de-edge? hindi healty un para sakin
di ba cryoso ang maging adik at pusher sa loob ng 7taon?
- xxxpinoystraightedgexxx wrote:
- tumawa kyo hanggang gusto nyo ok lng sakin un. magaganda naman kyo eh idiscriminate nyo ko ok lng din un sexy naman kau eh. wala kaung madidinig na salita sakin hehe ginagawa ko lng to kc eto ako ..
- xxxpinoystraightedgexxx wrote:
- naku hahaba to hehe... ano sasagutin ko ba to in a SXE way o mananahimik nalang ako pero magmumukang tanga kc walang masagot at nagmukang talunan?? hehe mmmmmm...
- xxxpinoystraightedgexxx wrote:
- yoko ng pagtatalo at away ayoko din makipagtaasan ng ihi. kyo nayan wala nko magagawa
- xxxpinoystraightedgexxx wrote:
- inaamoy ko lng mga tao dito kung
pinagtri2pan lng ang kabobohan ko paminsan minsan
ser i remain pinoystraightedge,
sa unang quote, yes I agree. Seryoso ang pag aadik sa loob ng pitong taon. Im sure marami dito ang natutuwa para sa yo at na-overcome mo ang addiction na yan na sinasabi mo. kung ganun, may disiplina ka nga. at kung ganun, susuportahan ka namin hanggang kaya mo yung disiplinang yan. kung saka-sakali na (let's hope not) ikaw man ay mag break ng edge na iyan, wala ka naman maririnig sa amin eh. wala naman problema. pwede ka pa ring maging proud sa sarili mo na naging edge ka sa buhay mo minsan.
and bact on topic, marami na kasi ako personal na kilala na naging adik lampas pitong taon na rin mapa-kaibigan man o mapa kamag-anak, at tinalikuran na rin nila ang masamang bisyo nila, yun nga lang, di nila ito
"blatantly" ika nga ni senyor bostsip sa taas, ipinamumuka sa lahat. walang masama maging proud ka sa achievement mo pero tandaan mo rin na hindi lahat ng nagbabasa sa thread eh mag eenjoy na paulit ulit mo yan ipamumuka sa kanila. tama na yung once or twice. we get it. agree ka ba sa akin ser?
sa pangalawang quote mo ser, hindi tinatawan ang pagiging sxe mo. hindi naman katatawanan na topic ang straight edge eh. ang nakaka tawa lang sa majority eh yung paulit ulit na lahat ng post mo eh me "declaration" na straight edge ka nga. eh kung saka-sakali ikaw pa lang ang kauna unahang tao dito na lahat ng post eh me closing signature na "Forever I Remain" "True 'Til Death" at kung ano ano pa. unang una ser, alam na namin na edge ang tao pag nilayan nya mismo ng "x" ang pangalan nya. eh yung pangalan mong ginamit me (pinoy) straight edge na nga na word, me anim na xxx pa. mejo redundant naman ser, agree ka ba?
sa pangatlong quote mo, nag succeed ka nga sa misyon mo na pahabain ang thread. yun nga intention ng tao pag nagsimula sya ng thread eh. gawin syang discussion. kaya "forum" sya kung tawagin. at maniawala ka, halos lahat nyan magkaka kilala na lahat. at wala ni isa jan ang galit sa yo. hindi nila trip ang away. sa forum na to, iisa o dalawa lang ang talagang nagti-trip lang maki-pag away. di mo kailangan pansinin yun o katakutan. hindi UG at lalong hindi pang may utak na "Punk" o "Hardcore" ang away. sa ibang eksena uso yan. Pero dito ang majority eh against jan.
Yan na rin punto ko sa ika-apat na quote mo. walang nakikipag taasan ng wee-wee sa yo ser.
Kung lalagyan mo mismo ng substance ang mga pino-post mo, mas marami ka pang ma eenganyo na maging straight edge i'm sure. Mahirap sa mahirap baguhin ang tao, lalo ang taong matanda na. Pero madaling impluwensyahan ang tao. Lalo na kung ang nagiimpluwensya ay nag le-lead by example.
Pakilala ka sa gig. It'd be our pleasure. so kita kits ok?
sa huling quote mo, like i said, wala naman mag ti-trip kung wala naman silang makikitang pwedeng pag tripan. eh sa mga nauna mo nang posts eh mukang trip-trip nga lang mga nasabi mo. like this thread na inilagay mo na sa events, eh planning stages pa lang naman kaso nilagay mo na sa lalagyan ng mga events na solido na ang plano. so ang iba malilito. ang iba ma eexcite. pag bukas nila nito, madidismaya kasi plano lang pala to. Ok pa sana kun pinamagatan mo syang "IM PLANNING AN EDGE DAY FEST. ANY INPUT IS WELCOME"
nga pala ser, in 2 mos. Oct.17 na. excited na rin ang mga sxe at non-sxe (ako to) sa pa-gig nyo. any updates? me suporta ka namin.
one more thing. hindi mo na kailangan "amuyin" mga tao tao dito. baka panandaliang nakalimutan mo ang pangalan ng site na pinasok mo.
DIY PINOY HARDCORE PUNK DOT COM.
Promise ser, di mo kailangan amuyin mga tao dito. just be yourself.
ika nga ni pareng Ninoy, "the truth shall set you free".
comprendes?
Cheers! Ay, pang inuman nga pala ang cheers! sorry hehe..
Mabuhay ka! yun na lang.
sana maayos ang pag-point out ko ng opinyon ko sa yo.
salamat kapatid.